^

Metro

Dumedo sa bestfriend, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang anim na taong pagtatago, nadakip ng Valen­zuela City Police ang isang most wanted na kriminal na pumatay sa kanyang matalik na kaibigan na kanya ring pinagnakawan, kamakalawa ng umaga. Nakilala ang inaresto na si Robertson Giyera, alyas ‘Reynaldo Malonzo Jr,’  31-anyos, at dating nakatira sa Abalos Bukid, Brgy. Gen. T. De Leon, ng naturang lungsod.

Nabatid na Nobyembre 2012 nang pagnakawan ni Gi-yera ang bahay ng kanyang kaibigan na si Domingo Limas sa naturang barangay. Nahuli sa akto ni Limas si Giyera na pinagsasaksak ang biktima dahilan ng kanyang kamatayan.

Dito na nagtago sa batas si Giyera hanggang sa maitala siyang number 1 most wanted ng pulisya sa lungsod ng Valenzuela noong 2014. Nabatid na dinayo pa ng mga pulis ang tinutuluyang bahay ni Giyera sa Purok 3, Brgy. Tambln sa Cagayan de Oro City kung saan inihain ang warrant of arrest laban sa kanya na inilabas ng Valenzuela City Regional Trial Court sa kasong murder at robbery. Hindi na nakapalag si Giyera sa mga umarestong pulis at agad siyang ibiniyahe sa Valenzuela City upang harapin niya ang kaso sa korte sa ginawa niyang krimen.

ARRESTED

MOST WANTED CRIMINAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with