44 pushers at users timbog sa drug ops

Sa Valenzuela, nasa 15 pang drug suspects ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation at pagkakadiskubre ng isang drug den kamakalawa ng hapon.

MANILA, Philippines — Nasa 44 na hinihinalang drug pushers at users ang nadakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) at Valenzuela City Police sa isinagawang magkakahiwalay na anti-illegal drugs operations, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay QCPD Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., nasa 29 drug suspects ang naaresto sa iba’t ibang lugar sa Quezon City na kinilalang sina Albert Punzal, 36; Jomar Belisario, 25; Mary Jane Belisario, 19; Ruel Monsalve, 33; Edmund Pallejo, 38; Johaira Omar, 34; Allan Belas, 35; Ailyn Gumandao, 36; Cris Tecson, 43; Boysie Zapanta, 37; Michael Galario, 22; Romer Sioco, 39; Patrick Megenio, 19; Jennifer Manalo, 31; Alejandro Domanico, 24; Neil Patrick dela Cruz, 25; Jay-ar Olaguer, 21; Rem Noel Sta. Ana, 19; Pijie Naldoza, 26; Benjamim Baculi, 58; Ethel Cecilio, 43; Rosajun Daguio, 28; Ferdinand Richard Antimano, 31; Willy Gonzales, 40; Willy Gonzales, 40; Michael Joey Mangrobang, 38; Richard Ponce, 39; Richard Navarez, 43; at Zaira Vargas, 33. Sila ay  sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa Valenzuela, nasa 15 pang drug suspects ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation at pagkakadiskubre ng isang drug den kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong umano’y tulak ng droga na sina Eduardo Berso, 49, scalper at Carlo Cabanawa, 33, walang trabaho at kapwa nakatira sa Brgy. Gen. T. De Leon, ng lungsod habang ang mga user ay sina Gilbert Tungcab, isang chef; Jessie Magtangob, 42; Dexter Rodriguez, 37, mekaniko; Darry Salvador, 38; Efren Oraya, 45; Virgilio Garcia, 38; Regino Doon, 52; Ernesto Cayanan; Jonjo Solomon, 41; Michael De Galicia, 41, security guard; Roy Cabale, 39; Roy Colao, 36; at Arlyn Dela Peña, 49.

Sa ulat, alas-4:45 ng hapon nang magkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit sa may Independence St., Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela. Unang nadakip sina Berso at Cabanawa nang matagumpay na makabili ng shabu ang isang police poseur buyer at nadakip ang isa sa pot session.

Show comments