^

Metro

P200K reward vs killer ng brgy. kagawad

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P200K reward vs killer ng brgy. kagawad
Ito ay kasabay ng pagkondena ni Oreta sa pamamaslang kay Brgy. Catmon Kagawad Rodrigo Tambo, alyas Tacio na pinagbabaril ng dalawang hindi nakilalang salarin sa naturang barangay.

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng P200,000 pabuya si Malabon City Mayor Antolin “Lenlen” Oreta para sa agarang pagresolba at pagkakadakip sa mga pumatay sa kanyang political leader na binaril nitong nakaraang Martes.

Ito ay kasabay ng pagkondena ni Oreta sa pamamaslang kay Brgy. Catmon Kagawad Rodrigo Tambo, alyas Tacio na pinagbabaril ng dalawang hindi nakilalang salarin sa naturang barangay.

Nabatid na limang taon nang aktibong leader ng Arya Progresibo ang biktima na isang lokal na organisasyon sa lungsod na sumusuporta sa pamamahala ni Oreta bilang alkalde.  Naging numero 1 kagawad sa Barangay Catmon si Tambo nitong nakalipas na halalang pambarangay.

Inatasan ni Oreta ang Malabon City Police na agarang lutasin ang naturang kaso para mabigyan ng hustisya ang mga naulilang pamilya ni Tambo at malaman kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

Patuloy ngayon ang pagkalap ng impormasyon ni Malabon Police Follow-Up Unit at Station Investigation, Detection and Management Branch na inatasan ni police chief, Sr. Supt. Jessie Tamayo na tutukan ang kaso.

Ayon naman sa mga kaanak ni Tambo, wala silang kakilalang kaaway ng biktima na kilalang matulungin sa kanilang barangay kaya nanalo bilang pangunahing kagawad.

 Pinaniniwalaan naman na maaaring may kinalaman sa politika at darating na halalan ang pamamaslang dahil sa pagpanig ng biktima kay Oreta.

ANTOLIN “LENLEN” ORETA

RODRIGO TAMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with