Giant Christmas tree na gawa sa basura, tampok sa Ocean Park
MANILA, Philippines — Idinaos ang tradisyunal na Christmas lighting at parangal sa mga kabataan na nagwagi sa paggawa ng higanteng mga Christmas tree na pawang mula sa recycled materials sa Manila Ocean Park, sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Nakuha ang first prize plaque at P100,000 ng grupo ng Fine Arts students ng Technological University of the Philippines , ang ikalawang pwesto ay mula din sa TUP at 3rd prize winner naman ang mga estudyante ng Technological Institute of the Philippines.
Ang recycled Christmas tree ay pawang yari sa mga plastic colored bottles na inilarawan sa disenyong karagatan na sagana sa mga isda at iba pang sea creatures.
Layunin ng pamunuan ng Ocean Park na mapa-ngalagaan ang kalikasan laban sa mga basura na sa halip na makasira ay muling pakinabangan.
Naging tampok sa programa ang pagsasadula ng tinawag nilang Ocean Park’s Superhero na kahitsura ni Superman at Guardians of the Ocean, na ikinaaliw ng mga kabataan partikular ang mga nagmula sa Down Syndrome Association of the Philippines at Autism Society of the Philippines.
- Latest