10 Aegis Juris member naghain ng not guilty plea
MANILA, Philippines — Naghain ng not guilty plea sa Manila Trial Court ang 10 miyembro ng Aegis Juris Fraternity na pawang mga akusado sa pagpaslang kay Horacio ‘Atio’ Castillo III, isang UST law student.
Binasahan ng sakdal sa sala ni Judge Marivic Balisi Umali ng Manila RTC Branch 20 sina Arvin Balag, Mhin Wei Chan, Axel Munro Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali, Ralph Trangia, Robin Ramos, Joseph Miguel Salamat, Daniel Hans Matthew Rodrigo, Marcelino Bagtang at iba pang John Does.
Ang pagdinig sa kasong paglabag sa Anti Hazing Law o Republic Act 8049 ay tumagal ng halos tatlong oras.
Nagsagawa rin ng pre-trial sa kaso na nagtagal ng halos tatlong oras lalo na at pawang pagtanggi o denial ang sagot ng mga akusado sa mga tanong sa kanila.
Samantala kahit non-bailable ang kaso ng mga akusado, sa Agosto 14, 2018, alas-8:30 ng umaga ay didinggin ni Judge Umali ang petition for bail ng mga suspek.
Samantala, aminado ang ina ng biktima na si Carmina na wala siyang naramdamang awa nang makita niya ang mga sangkot sa pagkamatay ng kanyang anak dahil hindi rin aniya naawa ang mga suspek nang patayin si Atio.
Nanindigan si Mrs. Castillo na nais niyang mabura sa mundo ang pangalang Aegis Juris Fraternity.
Related video:
- Latest