Blunt force trauma ikinamatay ng preso

Ito ay matapos ang post mortem examination sa bangkay ni Johnny Valiente, isang preso na inaresto noong Hunyo 6, 2018 dahil sa reklamong Estafa, na nagtamo ng matitinding trauma sa ulo at katawan bunga ng paghataw ng matigas na bagay dito.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Blunt force trauma ang sanhi ng pagkamatay ng isang bilanggo sa Manila Police District-Station 11 noong Hunyo 18, 2018 na una nang napaulat na septic shock ang sanhi dahil sa siksikang detention facility, base sa lumabas na autopsy report na hawak ng Homicide Section.

Ito ay matapos ang post mortem examination sa bangkay ni Johnny Valiente, isang preso na inaresto noong Hunyo 6, 2018 dahil sa reklamong Estafa, na nagtamo ng matitinding trauma sa ulo at katawan bunga ng paghataw ng matigas na bagay dito.

Sinabi naman ni Senior Insp. Rommel Anicete na kapwa preso rin ang itinuturong may kagagawan ng pagkamatay ng nasabing preso, base sa mga pahayag ng ilang preso na nagkuwento hinggil sa pangyayari sa loob ng selda ng araw na iyon.

Show comments