MANILA, Philippines — Nagpatupad na naman ngayong araw na ito ng Martes ng big time oil price hike ang mga kompanya ng langis.
Ang oil price hike ay pinangunahan ng PTT Philippines, Pilipinas Shell, Flying V, Seaoil at Phoenix Petroleum Philippines.
Tumaas ng P1.60 kada litro ang gasolina, P1.15 kada litro sa diesel, at P1.00 kada litro sa kerosene, na epekti-bo ng alas-6:00 ng umaga.
Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsiyo ang iba pang oil companies sa kahalintulad na halaga.
Ang ipinatupad na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
Magugunitang nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad nang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga oil companies.