^

Metro

Tullahan river, isasailalim sa rehab

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isasailalim sa rehabilitasyon at ipepreserba ang Tullahan river sa pamama-gitan ng reforestation at  river initiatives ng Maynilad.

Ito ay makaraang lumagda sa isang memorandum of understanding si Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) President at CEO Ra-moncito S. Fernandez  at Mala­bon Mayor Antolin Oreta III hinggil sa pangangalaga sa naturang ilog. Ang Tullahan River  ay isa sa pangunahing tributaries  ng Manila Bay.

Isinama ng Maynilad sa kanilang programang “Plant for Life” reforestation at affo-restation ang Tullahan River na kapapalooban ng pagtatanim ng mangrove propagules sa bahagi ng Tullahan river  na sakop ng  Malabon.

Na-aabsorb ng mangroves ang mga contaminants at magsisilbing spawning area para sa aquatic life at poprotekta sa river bank  mula sa soil erosion.

Dahil sa kasunduan, ang Maynilad ay magtatanim ng may 50,000 mangrove propagules sa Malabon.

Mula nang simulan ng Maynilad  ang  “Plant for Life” program noong 2009, naka­pagtanim na ito ng may mahigit 636,000 puno at mangroves  sa may  338.4 ektarya ng mga vital watersheds sa bansa.

MAYNILAD WATER SERVICES

REHABILITASYON

TULLAHAN RIVER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with