Quezon City Public Library, magkakaloob ng summer workshops sa kabataan
MANILA, Philippines — Inaanyayahan ng Quezon City Public Library ang lahat ng residente ng lunsod na may edad mula 3 gulang hanggang 12 anyos na makiisa sa naihandang workshops ng tanggapan para sa mga kabataan ngayong summer 2018.
Ang summer workshops ay magsisimula sa April 16 kasama ang drawing and painting, dancing, storytelling, at acting.
Ayon kay Marlyn Bautista, children’s section head ng QCPL, bago makasama sa workshop ang mga bata at iba pang aktibidad ng library ay kailangang magpamiembro ang mga ito sa Lib-and-Rary Book Club ng QCPL para sa mga kabataan.
Para maging miembro, ang mga batang may 3 hanggang 12 gulang na taga-Quezon City ay kailangang mag submit ng application form mula sa QC Public Library.
“Kahit na walang pasok, habang nalilibang ‘yung mga bata, may natutunan din sila. Through this workshops din, malalaman nila na ang library ay may ibang activities din aside from reading,” pahayag ni Bautista.
- Latest