Wanted na parak, inaresto nang mag-report sa headquarters
MANILA, Philippines - Bumagsak na sa kamay ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang pulis na wanted sa kasong robbery makaraang maaresto sa loob ng kanilang headquarters sa Camp Karingal sa lungsod, kamakalawa sa lungsod.
Kinilla ni QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang suspek na si PO1 Crispin Cartargenas Jr., nakatalaga sa District Headquarters Support Unit (DHSU) sa Camp Karingal, Sikatuna Village at naninirahan sa New Manila, Quezon City.
Siya ay inaresto ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) at District Intelligence Division ng QCPD sa Camp Karingal.
Dakong alas-3:05 ng hapon nang dakpin si Cartargenas ng nasabing mga operatiba sa loob ng nasabing headquarters makaraang muling lumutang ito sa kanyang pinapasukang himpilan.
Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Ferdinand Baylon ng RTC Branch 77 QC sa kasong robbery na may petsang June 23, 2017 ay sinalakay ng mga operatiba ang opisina at inaresto si Cartargenas.
Ayon kay Eleazar, binigyan nila si Cartargenas ng karapatang konstitusyunal, bago tuluyang dalhin sa police office para sa kaukulang desposisyon.
Nang tanungin hingil sa mga dokumento ng mga nakumpiskang baril at motorsiklo ay walang naipakita ang suspek kung kaya ipinagharap din siya ng kasong paglabag sa Sec. 28 o unlawfull possession of firearm and ammunitions, Sec. 31 o absence permit to carry firearm outside residence, RA 10591 o firearms and ammunition regulation act, Sec. 56 o driving a motor vehicle without registration or without permit, at RA 4168 o Land Transportation and Traffic Code.
- Latest