P.2-M ari-arian naabo

MANILA, Philippines -  Tinatayang aabot sa P.2 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang 60 kabaha­yan sa Barangay Malibay, Pasay City  kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Pasay City Bureau of Fire Protection (BFP),nagsimula ang sunog sa bahay ni Randy Punzalan ng Apelo Cruz St., Zone 16 sa nasabing lungsod.

Dahil gawa sa light materials mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa natupok ang may 60 kabahayan.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog at bandang alas-6:35 kahapon ng umaga idineklarang under control at tuluyan itong naapula bandang alas-7:50 ng umaga.

Wala namang napaulat na may namatay o nasu­gatan sa sunog kung saan aabot sa P.2 milyong halaga ng ari-arian ang nilamon ng apoy.

Show comments