Trader nagpasailalim sa breast, liposuction at butt surgery, patay
MANILA, Philippines - Ipinag-utos na ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) ang masu-sing imbestigasyon sa pagkamatay ng isang negosyanteng babae matapos na sumailalim sa breast, liposuction at butt surgery sa Barangay Highway Hills sa Mandaluyong City.
Tiniyak ni EPD Director Police Chief Supt. Romulo Sapitula kina Noli at Shirlie Antonino, na masusi nilang iimbestigahan ang pagkamatay ng kanilang anak na si Shiryl Saturnino, 29, upang matukoy ang pagkukulang at pana-nagutan ng The Icon Clinic at mga doktor nito, kung saan sumailalim sa breast, liposuction at butt surgery na nagresulta sa kanyang kamatayan ang biktima.
Batay sa ulat ng EPD, nitong Sabado ay nagtungo ang biktima, kasama ang kanyang kaanak na si Shiela Mae, sa klinika na matatagpuan sa ground floor ng Summit One Tower, sa 530 Shaw Boulevard sa Barangay Highway Hills upang magpa-surgery.
Dakong alas-5:00 ng hapon nang ipasok ng operating room ang biktima ngunit matapos ang surgery dakong alas-2:40 ng madaling araw ay napansin umano nina Dr. Jose Jovito Mendiola at Dr. Samuel Eric Yapjuangco ng The Icon Clinic, na nawalan ito ng pulso.
Sinubukang i-revive ng mga doktor ang pasyente at isinugod sa Makati Me-dical Center ngunit idineklarang patay dakong alas-3:21 ng madaling araw.
Nabatid na si Saturnino ay regular na pasyente ng The Icon Clinic at ito na ang ikatlong pagkakataon na nagtungo ito sa naturang klinika upang sumailalim sa naturang procedure.
- Latest