^

Metro

Bulgarian kulong sa ATM skimming

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kulungan inabutan ng bagong taon ang isang lalaking Bulgarian makaraang madakip ng mga pulis sa aktong nagsasagawa ng iligal na “skimming” sa isang ATM (automated teller machine) sa Makati City, Sabado ng gabi.

Nakilala ang inaresto na si Veselin Chudomirob, 49, na pansamantalang nanunuluyan sa LPL Manor Salcedo Suites Building sa may Le­viste Street, Salcedo Village, ng naturang lungsod.

Nabatid na rumesponde ang mga tauhan ng Makati City Police sa isang ATM booth ng Bank of the Philippine Islands (BPI) sa may Salcedo Street, Legaspi Village, sa Brgy. San Lorenzo, makaraang makatanggap ng sumbong sa kahina-hinalang kilos ng isang lalaki dakong alas-12:50 ng hapon.

Dito inabutan ng mga pulis ang dayuhan at nakumpiska sa kanya ang nasa 29 na pirasong pekeng ATM cards at 7-11 reward cards na gamit nito sa ATM skimming.  Ang ATM skimming ay ang pagkuha ng datos ng ATM cards buhat sa magnetic stripe nito.  Gumagamit ang mga criminal ng ibang cards na ikinakabit sa card reader ng mga makina para makuha ang datos ng mga walang malay na ATM users at manakaw ang pera nila.

 Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 8484 o ang “Access Device Act”.

ATM SKIMMING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with