^

Metro

Awol na parak nilikida

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa umanong Absent without Leave o AWOL na pulis ang nasawi makaraang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng isang Sports Utility Vehicle (SUV) habang ang una ay sakay naman ng kanyang motorsiklo sa Quezon City, iniulat kahapon

Ayon sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nakilala ang biktima na si PO1 Ryan Gumarang y Victorio, 30, residente sa no.1 Ejab Townhomes, Jem 3 Subdivision, Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Base sa ulat, ang mga suspek ay sakay ng isang Toyota Fortuner na walang plaka kung saan dalawa sa sakay nito ang siyang lumikida sa biktima.

Sa imbestigasyon ng CIDU, nangyari ang insi­dente sa may harap ng isang warehouse sa Saguitarius St., Carmel 5, Brgy. Tandang Sora dakong alas-11:45 ng umaga.

Bago ito, sakay ang biktima ng kanyang Yamaha motorcycle MX at binabagtas ang kahabaan ng Saguitarius St., at sinusundan ng isang Toyota Furtuner na walang plaka.

Pagsapit sa eksaktong lugar, biglang nag-overtake sa motorsiklo ng biktima ang Fortuner saka pinagbabaril ng sakay nito ang una.

Dahil dito, sumalpok ang motorsiklo at ang biktima sa may gilid ng kalsada saka huminto ang Fortuner at bumaba ang dalawang armadong lalaking sakay nito at nilapitan ang sugatang biktima saka muling tinadtad ng bala sa katawan.

Matapos maisagawa ang krimen ay agad na nagsipagsakay ng kanilang get away vehichle ang mga suspek at humarurot palayo sa lugar.

Ilang concerned citizen naman ang agad na tumawag sa himpilan ng Station-3 para sa pagsisiyasat.

Sa pagsisiyasat sa crime scene ng otoridad, narekober ang limang basyo ng kalibre 9mm ng baril, dalawang basyo ng kalibre 45 baril, tingga ng naturang mga bala at motorsiklo ng biktima.

ABSENT WITHOUT LEAVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with