Lolo, lola biktima ng ‘Gapos Gang’
MANILA, Philippines – Ginapos na parang mga baboy ang mag-asawang lolo at lola nang looban ang mga ito ng dalawang miyembro ng “Gapos gang” kung saan natangay sa mga ito ang cash at mga kagamitang nagkakahala-ga ng P.7 milyon, kamaka-lawa sa Parañaque City.
Ayon kay Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, kahapon lamang nagreklamo ang mga biktima na sina Liberato Hilomen, 70, isang retired teacher at misis nitong si Estrella, 60, isa namang retired government employee dahil sa sobrang takot ng mga ito.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Christopher Mamigo, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Parañaque City Police, naganap ang insi-dente alas-4:30 ng hapon sa bahay ng mag-asawang Hilomen sa Brgy. Don Bosco ng naturang lungsod.
Natiktikan umano ng mga suspek, na ang mga biktima lamang ang nasa loob at dito nila sinamantalang looban ang mga ito.
Nang makapasok sa loob ay ginapos ang dalawang matanda at ikinulong sa kuwarto at saka nila isinagawa ang pagnanakaw.
Natangay ang mga pera, alahas at mahahalagang kagamitan ng mga biktima na tinatayang nasa P700,000.00 ang kabuuang halaga.
Matapos isagawa ang panloloob, nagbanta ang mga suspek, na babalikan ang mga biktima at saka nagsitakas ang mga ito.
Nang maramdaman ng mag-asawang biktima na wala na ang mga suspek, dito na sila gumawa ng paraan upang kalagan ang kanila-kanilang mga sarili mula sa pagkakagapos.
Halos ma-trauma ang mga biktima sa labis na takot kung kaya’t hindi nila kaagad ipinagbigay alam sa pulisya ang kanilang sinapit. Patuloy na iniimbestigahan ang naturang insi-dente.
- Latest