Dayuhan sugatan sa pagbagsak ng kisame sa NAIA

1 dayuhan sugatan sa pagbagsak ng kisame sa NAIA

 

MANILA, Philippines –  Nagtamo ng minor injuries ang isang dayuhan matapos mabagsakan ng kisame sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon sa mga ulat, sugatan ang isang Amerikano nang mahulog ang kisame ng Sweet Ideas Restaurant sa pre-departure area ng NAIA Terminal 3 kaninang alas-7 ng umaga.

Kaagad naman nalapatan ng lunas ang mga sugat ng Amerikano at kalaunan ay natuloy din ang pag-alis niya ng bansa.

Samantala, isinara muna ang naturang kainan dahil sa insidente.

"The restaurant will remain closed until investigations and proper renovations are complete," wika ni Manila International Airport Authority spokesperson David de Castro.

"Initial investigation shows that the materials used for the construction of that particular ceiling of the restaurant were weak," dagdag niya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na bumagsak ang kisame ng NAIA terminal 3.

BASAHIN: Kisame ng NAIA 3 bumagsak na naman!

Show comments