^

Metro

Prangkisa ng ‘patok’ na jeepney, sinuspinde

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board (LTFRB) ng tatlong buwan ang prangkisa ng ‘patok’ na jeepney na nag-viral ka­makailan dahil sa pagewang-gewang nitong pamamasada sa Marikina area.

Ito ayon kay LTFRB boardmember Ariel Inton ang naging desisyon ng LTFRB board makaraang isalang muli kahapon ang isyu ukol dito.

Magugunitang nag-viral sa social media ang patok na jeepney noong January 20, 2016, agad naman ipinasoli ng LTFRB ang plaka ng sasakyan sa ahensiya at hindi muna ito pinapasada habang iniimbes­tigahan ang insidente.

Sa pagdinig kahapon, muling pina­bu­la­anan ng driver ng jeep na si Mark  Bumanlag­ na hindi siya kundi ang konduktor na si Reynaldo Capulong ang nagmaneho ng walang pasaherong jeep na nagpagewang- gewang sa Maharlika highway kamakailan.

Sinabi ni Inton na dahil hindi binitbit ni Bumanlag sa LTFRB si Capulong at hinayaan niyang magmaneho ng pagewang-gewang ang huli, irerekomenda na ng LTFRB na kanselahin na ang drivers license ni Bumanlag.

ACIRC

ANG

ARIEL INTON

BUMANLAG

CAPULONG

INTON

ITO

LAND TRANSPORTATION FRAN

REGULATORY BOARD

REYNALDO CAPULONG

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with