Palaboy nahagip ng tren, kanang paa naputol

MANILA, Philippines – Isang palaboy ang naputulan ng paa matapos itong mahagip ng isang train ng Philippine National Railways (PNR) kahapon ng umaga  sa  Makati City.

Nakilala ang  biktima na si  Jun Lausa, 40, matapos ma­putol  ang kanang paa.

Sa inisyal na report ng Makati City Traffic Bureau, naganap ang insidente alas-6:00 kahapon ng umaga sa Gil Puyat Avenue sa naturang lungsod.

Papatawid ng riles ang biktima at hindi nito namalayan ang dumadaang tren na galing ng Alabang, Muntinlupa City patungong Tutuban, Maynila.

Dito nahagip ang biktima hanggang sa maputol ang paa nito, na kaagad namang isinugod ito sa pagamutan ng Makati City Rescue Team.

Inaalam pa ng pulisya, ang body number ng train na nakahagip sa biktima at kung sino ang operator nito.

Show comments