^

Metro

9 na bus company, pagmumultahin ng tig-P1M ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pagmumultahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng tig-isang milyong piso ang siyam na bus company makaraang pumasada ang bus unit ng mga ito kahit walang special permit na naipagkaloob sa kanila ang ahensiya noong holiday season sa ilalim ng ‘Oplan Krismas’.

Noong holiday season, nagbigay ng special permit ang LTFRB sa mga nag-aplay ng permiso para makapasada sa ibang ruta para ayudahan ang dagsa ng pasahero. Pero natuklasan nilang ang siyam na bus company ay may mga unit na pinapasada nang walang permit.

Ang mga pagmumultahin ng tig-iisang mil­yon ng LTFRB ay Mega Bus line na may plakang TYJ 534, Alps the Bus Inc. (TYS 368 ), Raymond Transport (UVH 621),Wega Transport Corp (AIA 1357),United Land Transport and Bus Inc. tatlong unit na walang special permit (AIA 9134)(AIA 9133) (AIA 9130), Dimple Star Bus (TYR 393) at Cul Transport na dalawang unit ang pumasada ng walang special permit (HVP 746) (EVR 716) gayundin ang Del Monte Motor Works Inc. (TYX 954) at Roro  Bus Transport (UVT 504).

Ayon kay LTFRB boardmember Ariel Inton, ang naturang mga bus unit ng naturang mga bus company ay pawang out of line o pumasok sa ibang ruta noong holiday season ng wala namang special permit na nakuha mula sa ahensiya.

May kaukulang multa naman ang ipapataw sa Bicol Isarog Transport system Inc. nang lumabag sa sinasaad ng kanyang franchise dahil sa mga reklamong delayed arrival, discharge of buses at mababahong sasakyan

Ang mga nahuling bus unit ay pawang naka-impound sa LTFRB impounding area batay sa report  ni Atty. Robert Peig, Region 4 director ng LTFRB.

“This time malamang na makakolekta na kami ng penalty kasi hindi na kailangan dito ang mga motion,  dahil kitang-kita naman sa kaso nila na pumasada sila sa hindi nila ruta  at wala  silang special permit “pahayag ni Inton.

Sa ilalim ng Joint Administrative Order (JAO) order 1— ang lahat ng colorum bus o out of line buses ay pinagmumulta ng P1 milyon.

ALPS THE BUS INC

ANG

ARIEL INTON

BICOL ISAROG TRANSPORT

BUS

BUS TRANSPORT

CUL TRANSPORT

DEL MONTE MOTOR WORKS INC

DIMPLE STAR BUS

JOINT ADMINISTRATIVE ORDER

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with