Tambak na basura asahan na
MANILA, Philippines – Asahan na ang tambak na basurang hahakutin ngayon ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula sa mga naiwang kalat para salubu-ngin ang Bagong Taon.
Sa kabila ito ng mariing paalala ng MMDA sa publiko na pairalin ang disiplina sa sarili hinggil sa pagtatapon ng basura dahil nagiging sanhi ito ng pagbabara ng mga daluyan ng tubig at pagbaha sa tuwing umuulan, na nagdudulot naman ng ma-tinding trapik sa buong kalakhang Maynila.
Nakaalerto ang pwersa ng MMDA para sa clearing operation na isa-sagawa nila upang hindi bumaho ang Metro Manila sa unang linggo ng 2016.
Tiyak na umano na maraming nagkalat na naman na mga basura mula sa mga paputok na ginamit ng mga pasaway at matitigas na ulong mga residente.
- Latest