Pasko nilayasan ni misis, mister nagbigti

MANILA, Philippines – Isang sastre ang natagpuang nakabitin sa kaniyang shop at walang buhay sa loob ng Central Market sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Gamit ang sinturon na ipi­nangbigti sa sarili ay nasawi si Al Santiago, residente ng no. 1786 Franco St. Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:10 ng gabi nang madiskubre ng isang Salvador Lazo, stall owner sa naturang palengke, ang nakabigting biktima sa loob ng shop nito sa stall 655-56 Pasilio 11.

Bago ang pagpapakamatay, malungkot umano ang biktima dahil nagkataong Pasko pa ay nilayasan siya ng misis.

Dahilan umano sa pagbebenta ng makina ng bik­tima dahil wala silang pera na ikinagalit ng misis kaya lumayas.

Huling nakitang buhay ang biktima alas-4:00 ng hapon kamakalawa na umiinom ng tatlong bote ng Red Horse beer.

Kaugnay nito, hindi pa makita ang pitaka ng biktima na naglalaman ng P15,000 na pinagbentahan umano ng makina kaya ipinatawag ng MPD-General Assignment and Investigation Section(MPD-GAIS) si SPO4 Noel Villamor, nakatalaga sa station 3 ng MPD na unang nagresponde sa insidente.

Ayon kay Layugan, hindi umano dapat pinakialaman ang bangkay kundi isinecure lamang ang crime scene at hinintay ang homicide investigator.

Show comments