MANILA, Philippines – Matapos ang rollback noong nakaraang Martes (Disyembre 15, 2015), dagdag-bawas presyo naman ang ipinatupad ngayong araw na ito ng ilang oil companies sa kanilang mga produkto.
Sa anunsiyo kahapon ng Pilipinas Shell, tumaas ng P0.10 kada litro ang kanilang gasoline, habang bumaba naman ang presyo ng kanilang kerosene, na nasa P1.20 kada litro ito at ang kanilang diesel o krudo naman ay nasa P1.75 kada litro ang ibinaba, na epektibo ng alas-6:00 ngayong umaga.
Asahang susunod na ring mag-aanunsiyo ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produkto ang iba pang oil companies, na may kahalintulad na halaga.
Ang bagong ipinatupad na dagdag-bawas presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Matatandaan na huling nagpatupad ng malaking rollback ang ilang oil companies ay noong Disyembre 15 ng taong kasalukuyan.