^

Metro

1 patay, 1 sugatan: Mag-asawang Chinese inambus

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang negos­yanteng Chinese national ha­­­­­bang sugatan ang misis nitong buntis makaraang am­busin sila habang sakay ng luxury car sa may Aragon at Dimasalang Sts., Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa St. Jude Hospital dahil sa multiple gunshot wounds na tinamo ang biktimang si Ellam Lu, nasa pagitan ng 30-40 anyos habang ang misis nitong si Ou Yan, 29, na nagtamo ng bala sa balikat.

Natamaan din ng ligaw na bala sa likod ang isang Alejandro Alindayu, stay-in security guard ng Florida Transit Terminal.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na hindi bababa sa 4 katao na sakay ng isang L-300 van na kulay puti, at walang plate numbers.

Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan kay P/Sr. Insp. Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District-Homicide  Section, dakong alas-3:00 ng ha­­pon nang maganap ang insi­dente sa panulukan ng Di­masalang at Aragon Sts., sa Sta. Cruz.

Nabatid na sakay ang mag-asawa ng kanilang brand new BMW na may conduction sticker na PA-7236 sa di­­­rek­siyon ng Dangwa nang big­lang harangin sila ng sasak­yan ng mga suspek at bumaba ang isang lalaki na siyang gunman.

Mabilis na inasinta ang sakay ng BMW at matapos ang pamamaril ay bumalik sa naghihintay na sasakyan.

Sa impormasyon, ang bik­tima ay importer ng glass supplies na ang kompanya ay isang family business. Ka­­ga­galing lamang umano sa bakasyon ng mag-asawa. Ayon sa ilang kaanak, may isang taon pa lamang na kasal ang mag-asawa.

Nabatid na may kuha ng closed circuit television (CCTV) ang bahagi ng pangyayari subalit hindi umano  kumpleto kaya maghahanap pa ng ibang establisemento na maaring nakahagip sa insidente. Patuloy pang aalamin ang motibo at kung sino ang nasa likod ng ambush.

vuukle comment

ACIRC

ALEJANDRO ALINDAYU

ALONZO LAYUGAN

ANG

ARAGON STS

CRUZ

DIMASALANG STS

ELLAM LU

FLORIDA TRANSIT TERMINAL

MABILIS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with