3 ‘tulak’ timbog sa drug-bust
MANILA, Philippines - Natimbog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong hinihinalang drug pushers matapos na makuhanan ng 100 gramo ng shabu sa isang buy-bust operation sa isang fast food restaurant sa Cubao, lungsod Quezon.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspect na sina Julius John Buenavista, alyas Jayson, 29; Girdy Guevarra, 38; at Joseph Zulueta, 44.
Ayon kay Cacdac ang mga suspect ay nadakip ng mga tropa ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa loob ng isang popular na fastfood restaurant sa Araneta Center, Cubao, Quezon City, ganap na alas-11 ng umaga.
Nakumpiska sa mga suspect ang 25 gramo ng shabu na nakabalot ng packaging tape at tinatayang nagkakahalaga ng P100,000.
Ang mga suspect ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), in relation to Section 26 (Conspiracy to Sell), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang nakapiit sa PDEA RO-NCR.
- Latest