Life imprisonment sa pumatay sa ina ni Cherry Pie

MANILA, Philippines  — Guilty ang hatol ng Quezon City Regional Trial Court ngayong Huwebes sa suspek sa pagpatay sa ina ng artistang si Cherry Pie Pichache.

Pagkakakulong ng 20 taon hanggang 40 taon ang parusa ng korte kay Michael Flores matapos patayin ang ina ni Picache na si Zenaide Sison.

Robbery at homicide ang ikinaso kay Flores at hindi murder.

Tumayong kasambahay ni Sison ang 29-anyos na si Flores na naghain ng guilty plea matapos siyang basahan ng sakdal noong Oktubre 23, 2014.

Pinagsasasaksak ni Flores ang 75-anyos na si Sison sa loob ng kanilang bahay sa  Sta. Rosa City, Laguna noong Set. 19, 2014.

Ninakaw ng akusado ang pera ni Sison at P500,000 halaga ng mga alahas.

Show comments