^

Metro

‘Tulak’ ng droga, bulagta sa shootout

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang hinihinalang drug pu­sher matapos na mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Marikina City Police, kamakala­wa ng hapon.

Kinilala ni Marikina City Police chief Senior Supt. Vincent Calanoga, ang nasawi na si Mark James Galino, 30, residente ng R. Avenue, Sta. Cruz, Manila.

Ayon kay Calanoga, bago isinagawa ang operasyon, nakatanggap sila ng impormasyon na isang alyas James ang nagpapakalat umano ng illegal na droga sa area ng Marikina Heights.

Dakong alas-5:30 ng hapon nang isagawa ng mga tauhan ng Marikina Police Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (SAID-SOTG) sa pangunguna ni PO2 Ronel Agsawa, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang buy-bust operation sa Gen. Ordoñez St., Marikina Heights, Marikina City.
Binentahan umano ng suspek ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 ang poseur buyer.

Gayunman, sa kalagitnaan ng transaks­yon ay nakatunog si Galino sa operasyon sanhi upang magbunot ito ng .38 kalibre ng baril, kaya’t binaril ito ng pulis bilang depensa sa sarili.

Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang mga piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu, apat na piraso ng live ammunition ng .38 kalibre ng baril;  isang bala
ng kalibre .45, digital weighing scale, at isang UNIQUE Cal. 38 pistol na may isang magazine.

ACIRC

ANG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MARIKINA HEIGHTS

MARK JAMES GALINO

RONEL AGSAWA

SENIOR SUPT

VINCENT CALANOGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with