^

Metro

Apo ni Bonifacio pabor na ipagdiwang ang kamatayan ng bayani kaysa kaarawan

Doris Franche-Borja, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung silang mga kaanak ang tatanungin, sinabi ng apo ng bayaning si Gat. Andres Bonifacio na mas nais nilang ipagdiwang ang kamatayan nito kaysa sa kapanganakan.

Ito ang tinuran ni Paolo Bonifacio, isa sa mga kaapo-a­pohan ng bayani sa selebras­yon ng ika-152 kaarawan ng ba­yani kahapon sa Monumento Monument sa Caloocan City.

Sinabi ni Paolo na baga­ma’t masakit isipin na kapwa Pilipino ang pumaslang sa kanyang lolo, mas masarap umanong alalahanin ang legasiya nitong iniwan at ang kamatayan ni Bonifacio ang nagsemento sa kanya bilang bayani ng bansa.

Pinangunahan naman ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang programa sa pagbibigay-pugay sa bayani na tinawag na “Ama ng Katipunan”. Unang nagsagawa ng “ civic-military parade” sa EDSA-Monumento na pansamantalang isinara sa daloy ng trapiko. Kasama dito ang mga opisyal buhat sa militar, pu­lisya, bumbero, empleyado ng lokal na pamahalaan at mga “non-government organizations”.

Ginunita din sa lungsod ng Maynila  ang  Bonifacio day na  pinangunahan ni Manila Mayor Joseph Estrada kasama ng mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon at Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ang pag-aalay ng bulaklak.

ACIRC

ANDRES BONIFACIO

ANG

BONIFACIO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR MALAPITAN

EDUKASYON

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MONUMENTO MONUMENT

PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN

PAOLO BONIFACIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with