Tindahan package, ipinamahagi ni Vice Mayor Joy B
MANILA, Philippines – Personal nang naipamahagi ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang tindahan package sa may 200 kapuspalad na mga single parent sa lungsod upang magamit nilang panimula para sa kanilang pamumuhay.
“Pagyamanin ninyo ang munting tindahan na naibigay ko sa inyo, gamitin ninyo itong panimula ng pagkakakitaan na maaaring mapagkunan ng pang-araw-araw na gastusin sa inyong mga tahanan “, pahayag ni Belmonte sa mga benepisyaryo ng ‘Tindahan ni Ate Joy Project Part 3’.
Ang Tindahan package ay kinabibilangan ng sakong bigas, mga grocery items at iba pa. Ang mga benepisyaryo ng proyektong ito ay sumailalim muna sa matinding screening ng Office of the Vice Mayor at interview bago naisama dito.
Ang bahagi ng puhunan ng mga single parent ‘Tindahan ni Ate Joy Project’ ay mula sa mga benepisyaryo ng ‘Tindahan ni Ate Joy Part 1 at Part 2’ na nakalikom ng mahigit P100,000 sa nakalipas na isang taon mula sa kanilang kinita.
Bago ito, pinangunahan din ni Vice Mayor Belmonte ang paglagda sa isang memorandum of understanding sa pagitan ni Genaro Bautista, Presidente ng Rotary Club of New Manila, QC at Raymond Velayo, Presidente ng Arnis Philippines na layong mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga barangay tanod sa lungsod sa pangangalaga sa peace and order.
- Latest