Bawas-presyo sa petrolyo, ipinatupad

Sa abiso kahapon ng Pilipinas Shell, bumaba ng P0.60 sa kada litro ang kanilang gasolina, P0.80 kada litro sa kerosene habang P0.45 naman sa diesel o krudo. Philstar.com/File photo

MANILA, Philippines – Muli na namang nagpa-tupad ng bawas presyo ng kanilang produkto ang ilang oil companies ngayong araw na ito ng Martes (Nob­yembre 24).

Sa abiso kahapon ng Pilipinas Shell, bumaba ng P0.60 sa kada litro ang kanilang gasolina, P0.80 kada litro sa kerosene habang P0.45 naman sa diesel o krudo.

Samantalang sa Petron Corporation ay bumaba ng P0.75 kada litro ang kanilang gasolina, P0.50 sa diesel habang P0.80 din sa kerosene.

Nabatid na ang bawas presyo ay epektibo nga­yong araw ng Martes, Nobyembre 24 ng taong kasalukuyan, alas-12:01 ng madaling-araw.

Ayon kina Ina Soria­no, ng Pilipinas Shell at Raffy Ladesma,  ng Petron Corporation, ang ipinatupad na rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyo nito sa world market.

Asahang susunod na ring mag-aabiso para sa oil price rollback ang ilan pang oil companies na may kahalintulad na halaga.

Matatandaan, na noong nakaraang Martes, Nobyembre 17, sa kasagsa­gan ng APEC summit,  nagpatupad ng huling rollb­ack ang nabanggit na mga kompanya ng langis. 

Show comments