6 miyembro ng ‘RonRon drug syndicate’, timbog
MANILA, Philippines – Anim na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato ng iligal na droga na nag-ooperate sa Maynila ang nasakote sa isinagawang ‘Lambat Sibat’ at ‘One Time Big Time Operation’ ng Manila Police District-station10, sa ulat kahapon.
Ayon kay Supt. Edilberto Leonardo, hepe ng MPD-station 10, naniniwala siya na nalansag na ang ‘Ron Ron drug group’ sa pagkakadakip sa anim sa mga ito ng mga tauhan ng Station 10 Anti-Illegal Drugs (SAID) Special Operation Task Unit dakong alas-10:30 ng gabi, kamakalawa sa Dapo St. sa buy bust operation.
Unang nadakip ang tatlong mga suspek na sina Theodoro Gonzales; Federico Labao Jr; at Erwin Francia.
Nasugatan sa kaliwang tenga si PO2 Samson Sision nang mambato ng mga bote ang mga residente habang ang suspek naman diumano ay nagawa pang paputukan ang direksiyon ng mga operatiba bagamat walang tinamaan.
Alas-2:00 ng hapon, tatlo ding suspek ang dinakip sa Beata panulukan ng Barreto St., sa Pandacan, na kinilalang sina Ferdinand Luna; Mark Anthony Luna at Christopher Luna na pawang kabilang din sa grupo ng sindikato.
- Latest