Seguridad sa APEC, delegado tiniyak ni Erap
MANILA, Philippines – Pinaaalerto ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Manila Police District upang matiyak ang seguridad ng mga delegado na dadalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders meeting.
Ayon kay Estrada, kailangan lamang na mabigyan ng sapat na seguridad ang mga delegates lalo pa’t maituturing na ‘Thrilla in Manila’ ang APEC kung saan pagbubuklurin ang mga lider ng bansa.
Siniguro naman ni MPD director, Chief Superintendent Rolando Nana na nakalatag na ang seguridad sa mga lugar na dadaanan at pupuntahan ng mga delegado habang nananatili sa bansa.
Mananatiling contingent lamang ng Task Group Manila na pinamumunuan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Chief Superintendent Joel Pagdilao ang paglalaan ng seguridad sa mga foreign dignitaries.
“In executing our functions for the Apec event, the MPD is closely coordinating with the various concerned offices of the Manila local government, through Mayor Estrada’s “whole-of-city approach’ directive,” ani Nana.
- Latest