Traffic enforcer binaril ng sekyu sa clearing ops ng ‘Mabuhay Lanes’

MANILA, Philippines – Patay ang isang traffic enforcer ng Quezon City Department of Public Order and Safety (QC-DPOS) matapos barilin ng isang security guard sa lingsod ng Quezon ngayong Miyerkules ng umaga.

Nakilala ang 60-anyos na biktimang si Enrique Fresnido na kukumpiskahin sana ang motorsiklo ng suspek na si Alex Batacan.

Ayon sa mga ulat, nakabalandra sa “Mabuhay Lane” sa West Avenue, Quezon City ang motorsiklo ni Batacan kaya naman nasita ito ni Fresnido.

Hindi pumayag si Batacan hanggang sa nauwi ito sa pamamaril niya kay Fresnido na nagtamo ng bala sa ulo.

Nasa kustodiya na ngayon ng Quezon City Police District Station 2 si Batacan.

Binuksan ng mga awtoridad ang Mabuhay Lanes sa Metro Manila upang magsilbing alternatibong daanan ng mga motorista.

 

Show comments