4 timbog sa pag-iimprenta ng pekeng pera

Tumambad sa mga awtoridad ang 92 piraso ng  P1000  bills; Samsung laptop; HP Deskjet Printer; ink; silk screen na may mukha ng   mga nakalagay sa P1000 bills;  isang  sachet ng  shabu at mga shabu paraphernalia. May ilan pa ring  P1000 bills na hindi pa nagugupit sa Ruyi Lucky  Hotel sa Binondo. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang nalan­sag na ng Manila Police District – Station 11 ang isang grupo na namemeke ng pera matapos na madakip ang apat na katao sa isinagawang pagsalakay sa isang hotel, kamakalawa ng gabi sa  Binondo, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Edwin Caba-ling, 30 at Ernani Cabaling, 33; Joel Celo, 33 at Nina Perez, 34.

Batay sa report ni MPD-Station 11 chief, Supt. Ro­meo Macapaz, tatlong araw nang naka-check in sa Ruyi Lucky  Hotel sa Binondo  ang mga suspek.

Isang  tauhan ng hotel ang nakapansin ng kahina-hinalang sitwasyon sa kuwarto ng mga suspek lalo pa’t iba’t ibang tao ang  labas pasok sa kuwarto ng mga ito.

Dito na isinagawa ang surveillance hanggang sa makakuha ng pagkakataon ang  mga pulis sa pangungu-na ni  Insp. Leandro Gutierrez dakong alas-4 ng hapon ng  Martes kung saan sinabayan ng mga ito ang paglabas ni Perez ng kuwarto.

Tumambad sa mga awtoridad ang 92 piraso ng  P1000  bills; Samsung laptop; HP Deskjet Printer; ink; silk screen na may mukha ng   mga nakalagay sa P1000 bills;  isang  sachet ng  shabu at mga shabu paraphernalia. May ilan pa ring  P1000 bills na hindi pa nagugupit

Isang  maliit na notebook din ang  nakuha mula sa mga suspek na kinalalagyan ng mga cellphone number ng mga umoorder ng pekeng pera. Anila, nag-iimprenta lamang sila kung may order sa kanila.

Show comments