^

Metro

Sa loob ng 9 na buwan koleksyon ng Makati, pumalo sa P11.58-B

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pumalo sa P11.58 bilyong piso ang kinita ng pamahalaang lungsod ng Makati sa loob ng siyam na buwan sa ilalim ng pamumuno ni Acting Mayor Romulo “Kid” Peña.

Sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre ay nakamit na nito ang 94 porsiyento ng target revenue collection para sa taong ito.

Batay sa report mula sa City Treasurer’s Office, sinabi ni Peña na ang nasabing ha­laga ay mas mataas ng siyam na porsiyento kaysa sa kita ng lungsod para sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay Peña, ang pi­nakamataas na koleksyon ay mula sa business tax na nagkakahalagang P6,194,563,878, sumunod ang real pro­perty­ tax (RPT) sa halagang P3,934,345,110; fees at char­ges, P556,943,245; at Economic Enterprise, P161,173,460.52.

“Lubos ang aking panini­wala na malalampasan natin ang 8.8 porsiyentong iti­naas noong nakaraang taon. Sa ka­salukuyan ay nakamit­ na natin ang 94 percent ng ating projected target na P12,284,535,000 para sa taong kasalukuyan, at mayroon pang dalawang buwan ng pangongolekta bago magtapos ang taon,” ani Peña.

Ang acting mayor ay nagpahayag ng pasasalamat sa mga business sector sa kanilang kumpiyansa at tiwala sa kanyang pamumuno at tiniyak niya sa kanila ang mahusay na paggamit ng mga pondo para sa benepisyo ng mga nagbaba­yad ng buwis at mamamayan ng lungsod. “Ang pagtaas ng tax collection ay dahil din sa mahusay na pagpoproseso ng mga business permit at ma­ayos na koleksiyon ng business at realty taxes­,” dagdag pa ni Peña.

Kabilang din sa bumubuo ng city revenue collection ay ang Interest Income na nagkakahalagang P89,552,093.48 at Internal Revenue Allotment­, P652,030,065.00. Kung ikukumpara sa tax collection no­ong nakaraang taon, ang kita mula sa business tax ay tumaas ng 13 porsiyento mula sa 5.4 bilyon. Sa kabilang banda, ang pamahalaang lungsod ay lumampas na ng 115 porsiyento sa target realty tax collection sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre.

ACIRC

ACTING MAYOR ROMULO

ANG

ATILDE

AYON

CITY TREASURER

ECONOMIC ENTERPRISE

INTEREST INCOME

INTERNAL REVENUE ALLOTMENT

SETYEMBRE

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with