Beerhouse nasunog, 30 pamilya apektado

MANILA, Philippines – Aabot sa 30 pamilya ang nawalan ng tirahan ngayong Lunes matapos ang sunog sa Commonwealth Avenue, Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Ayon sa ulat 15 bahay ang tinupok ng apoy na tumagal ng 30 minuto na umabot nang fourth alarm.

Lumabas sa imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang beehouse bandang alas-6 ng umaga.

Wala namang naiulat na nasawi at nasaktan sa insidente.

TInatayang hindi bababa ng P100,000 ang halagan g pinsala.

 

Show comments