9-anyos pisak sa trak

MANILA, Philippines – Lasog ang isang batang lalaki makaraang mabundol ang sinasakyang motorsiklo at masagasaan pa ng isang trak sa Na­votas City, Huwebes ng hapon. Nasawi sa loob ng Tondo Ge­neral Hospital ang 9-taong gulang na si Louis Carl Peñaflor, grade IV pupil, at residente ng Block 47 Lot 6 Phase 1C Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

 Sa inisyal na ulat, nabatid na sinundo ang biktima ng kanyang ama sa eskwelahan lulan ng isang single na motorsiklo.  Binabagtas ng mag-ama ang C3 Road at paliko sa Bangus Street nang mabundol ng papaliko ring tractor head dakong alas-12:30 ng hapon. Tumilapon ang mag-ama sa motorsiklo ngunit minalas na magulungan ang angkas na paslit ng isa pang trak na may plakang TXJ-325.

Agad namang nasaklolohan ang mag-ama at naisugod sa pagamutan ang bata habang nadakip ang dalawang tsuper ng mga trak na nakilalang sina Joel Gonzales at Adrian Nason. Nahaharap ang mga suspek ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Show comments