MANILA, Philippines - Muling pinasigla kaha- pon ng tanggapan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang programang libreng paaral para sa mga kapuspalad sa lungsod sa ilalim ng ‘‘Joy of Public Service Program’’ katulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at tanggapan ni House Speaker Sonny Belmonte.
Target ng naturang programa na mabigyan ng libreng paaral ang mahigit 400 estudyante mula sa district 1 hanggang district 6 para makapagtapos ng 2 year course sa college.
Kahapon, isinagawa sa QC hall grounds ang programa kung saan maraming mga kabataang taga-lungsod ang na-interview ng DSWD personnel para sa libreng pag-aaral.
Sinasabing magkatuwang ang mag-amang Belmonte sa pagtataguyod sa proyekto upang mabigyang pagkakataon ang mga mahihirap na kabataan sa lungsod na makapagtapos sa pag-aaral para mapaunlad ang kanilang buhay.
Una dito, nagkaloob din ang mag-ama ng libreng edukasyon para sa 4-year course sa college katuwang naman ang Commission on Higher Education (CHED) kung saan ang bawat mag-aaral na benepisyaryo ng proyekto ay tatanggap ng minimum na P3,000 financial assistance kada semester at may maximum na P12,000 financial assistance depen-de sa kursong kukunin ng estudyante.
“Nais ko na susunod na taon na maging number 1 ang QC sa larangan ng edukas-yon kaya’t patuloy tayong magpapatupad ng mga programa para sa pag-aaral ng mga kabataan sa ating lungsod” pahayag ni Vice Mayor Belmonte.
Sinabi ni Belmonte na sentro ng kanyang mga progra-ma sa mga darating na taon ang pagpapahusay pa sa mga social services kasama na ang pagpapasigla ng edukasyon sa lungsod.