^

Metro

Vendors, mangangaroling sa EDSA, wawalisin

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula umano sa Nob­yembre 1, sisimulan nang walisin ng Metropolitan Manila Development Autho-rity (MMDA) at Philippine National Police, Highway Patrol Group (PNP-HPG), simula sa Nobyembre 1 ng taong kasalukuyan ang lahat ng ambulant vendors at manga­ngaroling sa kahabaan ng EDSA.

Sa pagpupulong ng MMDA, PNP-HPG at lokal  na pamahalaan, napagkasunduan ang mahigpit na pagbabawal sa mga ambulant vendor, tulad ng mga nagtitinda ng sigarilyo, kendi, dyaryo, pagkain at kung anu-ano pa sa kahabaan ng EDSA.

Bukod sa huhulihin sila    ay kukumpiskahin ng MMDA at PNP-HPG ang ka­­nilang mga paninda.

Hindi lamang ang mga nagkalat na ambulant vendor ang tututukan, huhulihin din nila ang mga magka-carolling sa kahabaan ng EDSA lalu’t nalalapit na ang Kapaskuhan. 

Gayundin, hindi rin nila papayagang magtinda ang mga ito sa mga overpass at underpass. 

Ayon sa MMDA, matagal ng ipinagbabawal na magtinda o mag-carolling sa mga highways lalu na sa EDSA, dahil sa magi-ging dulot ito ng peligro sa kanilang buhay.

Subalit maraming mga pasaway at matitigas na ulong mga vendor ang luma-labag dito, kung kaya’t  simula sa Nobyembre 1 ay mas seser­yosohin ng PNP-HPG at MMDA ang pagpapatu-pad nito, kung saan hindi  nila sasantuhing hulihin at kumpiskahin ang mga pa­ninda ng mga pasaway  na ambulant vendors.

Napagkasunduan din sa pulong, na hanggang sa Hunyo 30, 2016 mana­natili ang PNP-HPG sa kahabaan ng EDSA.

ACIRC

ANG

AYON

BUKOD

HIGHWAY PATROL GROUP

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

MGA

NBSP

NOBYEMBRE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with