Metro Manila mayors mag-a-adopt ng LGUs na sinalanta ng bagyong Lando
MANILA, Philippines - Katulad ng kanilang ginawa nang manalasa ang bagyong Yolanda dalawang taon na ang nakakalipas, muling mag-aadopt ang mga mayors ng Metro Manila ng mga bayan o lungsod na matinding sinalanta ng bagyong Lando.
Ayon kay MMDA Officer in-charge Emerson Carlos kagaya noong sa Yolanda pipili ang bawat isang MM mayor ng dalawa o hanggang tatlong local goverment unit na naapektuhan ng bagyong Lando na kanilang tutulungan base sa kanilang kapasidad.
Ang pondo na gagamitin ng bawat isang Metro LGU sa kanilang ‘adopt-an-LGU scheme’ ay manggagaling sa Metro mayors disaster risk reduction management funds.
Sa inisyal na pagtaya, may 18 munisipalidad sa Luzon ang naapektuhan ng bagyong Lando at maaaring makasama sa adoption ng Metro Manila mayors.Nabatid na ang Muntinlupa City ay iaadopt ang Jaen at Lupao, sa Nueva Ecija; ang Valenzuela City na ay ang San Antonio sa Nueva Ecija rin; Las Piñas (Calumpit, Bulacan); Quezon City (San Miguel, Bulacan; Bambang Nueva Ecija at Baler, Aurora); San Juan City (Caba, La Union) at ang Manila ay ang Cabanatuan City.
Habang namimili pa ang ilang Metro Manila mayors ng lugar na kanilang ia-adopt.
- Latest