Tubig sa dam tumaas - NDRRMC
MANILA, Philippines – Sa kabila ng naidulot na pinsala ng bagyong Lando sa paghagupit nito sa bansa partikular na sa Northern at Central Luzon ay nagdulot rin ito ng magandang epekto matapos na tumaas na ang lebel ng tubig sa mga dam.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Alexander Pama, malaki ang maitutulong nito sa panahon ng El Niño phenomenom o tagtu-yot sa bansa.
Ang El Niño phenomenom ay inaasahang makakaapekto sa bansa hanggang unang bahagi ng 2016 kaya’t pinagtitipid ang mamamayan sa paggamit ng tubig partiku-lar na sa Metro Manila.
Ayon kay Pama, lubhang nangangailangan ng dagdag na tubig ang mga dam partikular na sa Central Luzon dahil sa ibinuhos na mga pag- ulan bitbit ni Lando.
Umabot na ngayon sa 201.5 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan pero kaila-ngan pa aniyang umabot ito sa 210 meters.
Nakinabang din sa mga pag-ulan ang Pan-tabangan Dam na uma-ngat na sa 199 metro pero ayon pa kay Pama, nangangailangan pa rin ito ng dagdag para maabot ang kinakaila-ngang 216 metro.
Sa kabila nito, hindi pa rin makakasapat ang nasabing nadagdag na tubig sa naturang mga dam para matugunan ang epekto ng El Niño lalo na kung magtatagal ito tulad ng pagtaya ng PAGASA.
- Latest