Kelot huling nagnanakaw, kinatay, pinugutan

Kelot huling nagnanakaw, kinatay, pinugutan

MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na tadtad ng tattoo sa katawan matapos saksakin at pugutan pa ng ulo ng hindi pa kilalang salarin, sa isang parking lot, sa Road 10, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ang biktima na nasa 25-30 anyos, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay blue na t-shirt at abuhin ang cargo shorts, may nga tattoo na “Sahagun”,” Mayores” ,”Demy” at “Bon” sa dibdib, na may mga tama ng saksak sa dibdib, sa likod at laslas o halos matanggal na ang ulo.

Sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo ng MPD-Homicide Section, bagamat may saksi hindi naman umano namukhaan ang suspek na nakita niyang tumataga sa biktima dakong alas -3:00 ng madaling araw, sa madilim na bahagi ng Road 10 na paradahan ng mga sasak­yan.

Narinig umano ng saksi  ang pagmamakaawa ng biktima at nang kanyang tignan ay nakita niyang sinasaksak at tinaga pa ng gulok ang ulo nito. Gayunman dahil sa takot  sa nasaksihan ay nagtatakbo ang saksi palayo.

Naniniwala ang pulisya na posibleng naaktuhan ng suspect ang nasawi na nagnanakaw ng mga parte ng truck na nakaparada sa lugar kaya ito inatake.

Show comments