^

Metro

Ilan pang tatakbo sa Metro, nagharap na rin ng COC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagharap na rin ka­hapon ng kanyang certificate of candidacy si Manila Mayor Joseph “Erap’ Estrada para sa kanyang muling pagtakbo bilang alkalde sa lungsod.

Ayon  kay Estrada, nasa kamay na ng Ma­nilenyo kung  sino ang kanilang iboboto dahil naniniwala siya na walang mali sa kanyang pa­mamalakad at sa halip  ay isinalba niya ang  Maynila mula sa pagkakalubog nito  sa utang.

Kasama ang kanyang mga taga suporta  naglakad din si Estrada mula sa Bonifacio  monument patungo sa Comelec suot ang kanyang  orange jacket na kulay ng kanyang partido na Puwersa ng  Masang Pilipino(PMP).

Samantala, sinabi pa ni  Estrada na bukas pa rin siya sa tambalang “Erap-Bongbong” para ipantapat sa darating na Presidential elections sa Mayo 16.

Sa Las Piñas, nag­hain na rin ng COC ang mga kandidato ng Nationalista Party (NP) sa lokal na posisyon sa lungsod.

Ito ay pinangunahan  ng tatakbong alkalde na si Imelda “Mel” Aguilar, misis ng incumbent Mayor na si Vergel “Nene” Aguilar.

Ang magiging bise alkalde nito  ay si Las Pinas City incumbent  Vice Mayor Luis Bustamante .

Sa Malabon City, nag­sumite kahapon ng kanyang kandidatura si incumbent Congresswoman Josephine Veronique Lacson-Noel bilang alkalde.

Sa kanyang paha-yag, may isa pang termino siya bilang kinatawan sa Kongreso ng lungsod ngunit nagdesisyon siyang tumakbo na sa pagka-alkalde dahil sa kakapusan umano sa serbisyo na natatanggap ng mga residente ng lungsod lalo na ng mga ina na hirap na hirap mag­paaral sa kanilang mga anak.

Iginiit nito na ang pa­mahalaang lungsod ay para sa lahat ng residente at hindi para lamang sa iilang piling pamilya.

ACIRC

AGUILAR

ANG

CONGRESSWOMAN JOSEPHINE VERONIQUE LACSON-NOEL

KANYANG

LAS PINAS CITY

MANILA MAYOR JOSEPH

MASANG PILIPINO

NATIONALISTA PARTY

NBSP

SA LAS PI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with