Programa sa senior high, inilarga ni Vice Mayor Joy B sa Quezon City
MANILA, Philippines – Higit na palalakasin ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang kaalaman at kasanayan ng mga kabataang mag-aaral sa lungsod.
Ito ay makaraang pangunahan niya ang isang malakihang K-12 Senior-High School Fair program sa Liwasang Aurora ng QC Memorial Circle kasama ang QC Division of City School, school administrators at personnel ng 54 na private schools at 34 publics schools sa lungsod.
Layunin ng programa na mas mapadali para sa mga kabataang mag-aaral na magdesisyon kung ano ang gusto nilang kuning kurso pagdating ng kolehiyo at mas madaliang makahanap ng trabaho sa hinaharap.
Sa programa ay nagkaroon din ng career orientation at naipamalas ng mga school owners ang mga paraan na kanilang ginagawa bilang suporta sa K-12 program sa QC.
Binigyan din ni Belmonte ng “Gawad Pagkilala” ang top performing schools sa lungsod tulad ng Elementary Schools-Pag Ibig sa Nayon Annex,Camarilla Elementary School,San Antonio Elementary School, Dalupan Elementary School at Payatas B Annex Elementary School.
Sa High schools ay binigyan ng pagkilala ang QC Science HS, Don Alejandro Roces Sr Science and Technology HS., Judge Feliciano Belmonte Sr HS., Don Quintin Paredes HS at Doña Josefa Jara Martines HS.
- Latest