^

Metro

Mabigat na parusa giit ng PNP kaso ng ‘kidnap me’ dumarami

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naalarma kahapon ang PNP-Anti Kidnapping­ Group (PNP-AKG) dahilan sa tumataas na mga insidente ng ‘hoax’ o mga pekeng kidnapping sa bansa.

Ayon kay PNP-AKG Director Senior Supt. Roberto Fajardo, nasa 19 kaso ng ‘kidnap me’ ang naitala ng kanilang tanggapan mula Enero hanggang sa kasalukuyan kum­­para sa naitalang 10  kaso lamang sa kaparehong panahon noong 2014.

Kabilang dito ang kaso ng isang Briton na si Raymond Warwick  na pinalutang na kinidnap siya sa Maynila na humingi ng malaking halaga ng ransom sa kaniyang pamilya sa London nitong nakalipas na Setyembre ng taong ito.

Sinabi ni Fajardo na malaking halaga ang hi­ningi ni Warwick sa ka­niyang pamilya, pero tu­manggi ang opisyal na tukuyin ito.

Sa kabuuan nasa 25 kaso ng kidnapping for ransom ang nairekord ng PNP-AKG kung saan 10 dito ang naresolba na ng kanilang tanggapan.

Kaugnay nito, nagpasaklolo naman si Fajardo sa Department of Justice (DOJ) para bumalangkas ng batas na nagbibigay ng kaparusahan sa mga taong  nagpapanggap na kinidnap kung saan sarili pang pamilya ang binibiktima o nililinlang.

Lumilitaw rin na ilan sa mga nagre-report ng pekeng kidnapping ay talunan sa casino, pumalya sa negosyo at iba pa ang dahilan.

Inamin ng opisyal na apektado ang kanilang pondo at bukod dito ay na­sasayang ang panahon­ ng PNP-AKG operatives­ na may dedikasyon sa trabaho na sana’y inilalaan na lamang sa mga totoong kaso ng kidnapping for ransom.

Sinabi ni Fajardo na hiniling nila ang tulong ni Justice Secretary Leila de Lima para bumalangkas ng batas na kahalintulad ang parusa sa mga taong convicted sa kaso ng kidnapping para matuldukan na ang nasabing kalokohan ng mga indibidwal na walang magawang matino sa buhay.

ACIRC

ANG

ANTI KIDNAPPING

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR SENIOR SUPT

FAJARDO

JUSTICE SECRETARY LEILA

MGA

NBSP

RAYMOND WARWICK

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with