^

Metro

62 sasakyan na clamp sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang mas lalo pang mapaluwag ang  mga kalsada sa Maynila, patuloy ang pagsasagawa ng  clearing  operation ng Manila Traffic and  Parking  Bureau (MTPB).

Isang linggo sinuyod ng  mga tauhan ng MTPB sa pangu­nguna ni  MTPB Director Carter Don Logica ang 16 kung saan 62 private at public utility vehicles ang na clamp.

Kabilang sa mga lugar na sinuyod ay ang ?Antipolo St., Abad Santos Ave.,Rizal Ave., Blumentrit, Aurora Blvd., Moriones St., Cavite St., San Andres St., L. Guerrero St., P. Guevarra St., Oroquieta St., Natividad St. Moriones St., Plaza Morga, Dagupan St. at Tutuban. Ayon kay Logica, umaapela naman sila ng koordinasyon sa  mga may-ari ng sasakyan upang mapaluwag ang  mga kalsada. Nakakalungkot lamang na may mga signage naman na ‘no parking’ subalit patuloy pa rin ang kanilang  pagpa-park  ng kanilang mga sasakyan.

Tila paghahamon na lamang sa pamahalaan ang ginagawa ng mga motorista kaya’t patuloy din ang kanilang ginagawang  paglabag sa batas trapiko.

Samantala, nagpasalamat naman si Manila  Vice Mayor Isko Moreno  sa MTPB at sa Manila District Traffic Enforcement Unit sa suportang ibinigay  nito  sa kanya  habang pinamamahalaan ang  trapiko sa  lungsod. Umaasa  si Moreno na itutuloy ng  MTPB at MDTEU ang  sistema at pagpapatupad ng  batas trapiko.

Naging maluwag din ang daloy ng mga sasakyan sa  kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue bunsod na rin ng patuloy na pagtatrabaho nina Sherwin Oliverio, monitoring ng  sector 1, Rolando Ludovice Sector 1 Commander at  Romer Lope team leader ng  sector 1 sakabila ng ginagawang kalsada.

ABAD SANTOS AVE

ANG

ANTIPOLO ST.

AURORA BLVD

CAVITE ST.

DAGUPAN ST.

DIRECTOR CARTER DON LOGICA

GUERRERO ST.

GUEVARRA ST.

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with