^

Metro

Ginang timbog sa mga pekeng BIR ID card

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kulungan ang bagsak ng isang 46-anyos na ginang makaraang arestuhin ng awtoridad dahil sa pame­meke ng identification card ng Bureau of Internal Reve­nue sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 10, nakilala ang suspect na si Mardivic Calayo, vendor ng  Brgy. Pinyahan sa lungsod.

Ito ay dinakip base sa reklamo ng BIR sa pangu­nguna ng representante nitong si Enrico Adriano, 42, ng Pandi Bulacan, kaugnay sa iligal na operasyon ng una.

Nangyari ang pag-aresto sa may kahabaan ng East Avenue, Barangay Pinyahan, ganap na alas-2 ng hapon.

Bago ito, naalarma ang pamunuan ng BIR dahil sa reproduction ng ID card ng kanilang commissioner nang hindi nila batid kung saan nagmumula.

Dahil dito, inatasan ng BIR si Adriano na magsagawa ng beripikasyon at surveillance sa lugar hanggang sa matumbok nito ang ginang.

Agad na humingi ng tulong si Adriano sa PS10 sa pangunguna nina PO2 M. Tagulao, PO1 R. Orejas at PO1 R. Ramos at nag­­sa­gawa ng operasyon kung saan nagkunwari ang una na isang kliyente na magpapagawa ng ID sa ginang na siyang dahilan para maaresto ang huli.

Nasamsam din sa suspect ang isang type writer, un laminated ID card na may kahalintulad ng numero, at assorted stamp pad na ginagamit umano nito sa kanyang iligal na aktibidad.

Kasong falsification of public documents ang kinakaharap ngayon ng ginang.

ACIRC

ADRIANO

ANG

BARANGAY PINYAHAN

BRGY

BUREAU OF INTERNAL REVE

EAST AVENUE

ENRICO ADRIANO

MARDIVIC CALAYO

PANDI BULACAN

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with