Entry of appearance ng kampo ni Dalia Pastor, ipinababasura
MANILA, Philippines – Hiniling ng prosekusyon sa Quezon City court na huwag tanggapin ang entry of appearance na naisumite ng kampo ng akusadong si Dalia Guerrero-Pastor, asawa ng napaslang na international car racer na si Ferdinand “Enzo” Pastor dahilan sa umanoy kakulangan sa merito.
Sa tatlong pahinang oposisyon na naisampa ng prosekusyon sa QC- RTC Branch 85,hindi kapani-paniwala ang lagda na nasa entry of appearance ng abogado ni Dalia mula sa Rondain & Mendiola law firm.
Sinasabi ng prosekusyon na ang isang public document mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) na ang lagda ni Dalia ay nagtataglay ng nine strokes gayung sa lagda ni Dalia sa entry of appearance ay may five strokes lamang.
Bukod dito, napaka-imposible umanong makapirma si Dahlia ng anumang entry of appearance dahil sinasabi ng mga pulis na ito ay nakalabas na ng bansa.
“The combined reports of the PNP-CIDU (Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Unit) and Interpol show that Dalia has already fled the Philippines to evade prosecution in this case,” ayon sa prosekusyon.
Si Dalia ay sinasa-bing nagtatago ngayon sa Jakarta, Indonesia.
Kaugnay nito, kinuwestyon din ng prosekusyon si Atty. Ruy Al-berto Rondain, abogado ni Dalia kung bakit hindi sinasabi ang kinarooronan ni Dalia nang lagdaan nito ang sinasa-bing entry of appearance.
Noong nakaraaang buwan ay inaprubahan ni Judge Luisito Cortez ng QC-RTC Branch 85 ang request ng prosekusyon na atasan ang abogado ni Dalia at umano’y lover nitong si Domingo “Sandy” De Guzman III para mag-submit ng written authority na magsisilbing katunayan na sila ay awtorisado na irepresent ang kanilang mga kliyente at ang hindi pagsipot ng kanilang kliyente sa korte.
- Latest