^

Metro

Lulan ng Red Cross ambulance agaw buhay tinanggihan ng 4 na government hospital

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muntik nang hindi umabot ng buhay ang isang pasyente na nag-aagaw buhay makaraang tanggihan ng apat na pampublikong ospital nang isinugod ng ambulansiya ng Philippine National Red Cross.

Ayon sa Philippine Red Cross-Manila Chapter, tumawag sa kanila si Carmencita Celis, pamangkin ng pasyenteng si Benjamin “Menchie” Celis, 55 ng no. 1567 3rd St. Sabia Subd. Paco Manila at nag-request ng ambulansiya para maisugod sa ospital ang huli na nahihirapan na sa paghinga, dakong alas 10 ng gabi nung Miyerkules (Sept. 17).

Agad na umaksiyon ang PRC-Manila Chapter sa pa­ngunguna ni Angelo Tan ng ambulance service ng Red Cross for indigent patients.

Ayon kay Carmencita, unang dinala ang pasyente sa Sta. Ana Hospital subalit tinanggihan ito dahil sa puno na ang kanilang emergency room at dahil sa kinakaila­ngan ng mabigyan ng first aid si Benjamin ay itinakbo naman ito sa Ospital ng Maynila pero pagdating nila sa ospital ay “under renovation” ito.

Muli ay itinakbo ang pas­yente sa Philippine Gene­ral Hospital ngunit hindi ito tinanggap ng naka-duty na resident doctor na si Dr. Marj Laurico dahil sa walang advance call ang Red Cross  kaya’t humingi na lamang ang nasabing rescue team ng doctor na magre-refer sa pasyente. Ngunit tinanggihan pa rin sila ng PGH staff.

Dahil dito, napilitan na lamang ang rescue team na dalhin naman sa East Avenue Medical Center si Benjamin pero bigo pa ring mai-admit ang pasyente at sa halip ay ini-refer sila sa National Kidney and Transplant Institute dahilan sa ang kondisyon ng pasyente ay  dapat idiretso sa Intensive Care Unit. Tinaggap ang pasyente sa NKTI dahil na rin sa delikadong kondisyon at sa rekomendasyon ni Dr. Christian Tan.

Ayon kay Carmencita, taliwas ito  sa  deklarasyon ng  pamahalaan na maaa­ring tanggapin anumang oras ang sinumang pas­yente ng nangangaila­ngan ng first aid. Aniya, dapat na umaksiyon ang gob­yerno laban sa pinaiiral ng kawalang puso ng apat na government hospital.

ACIRC

ANA HOSPITAL

ANG

ANGELO TAN

AYON

CARMENCITA

CARMENCITA CELIS

DR. CHRISTIAN TAN

DR. MARJ LAURICO

RED CROSS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with