MANILA, Philippines – Lumagda sa isang executive order si Quezon City Mayor Herbert M. Bautista para sa implementasyon ng comprehensive local integration program (CLIP) na mag-eengganyo sa mga rebelde sa lungsod na magbalik loob sa pamahalaan.
Ang hakbang ay ginawa ni Bautista makaraang makipagpulong sa mga miyembro ng peace and order council sa Camp Karingal at sa Department of Interior and Local Government-QC Field Office head Director Juan Jovian Ingeniero para maipatupad ang CLIP.
Aadopt ng executive order ang CLIP na isang programa ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) para sa mga rebel returnees.
Sa ilalim ng CLIP, maglalaan ang lungsod ng financial assistance sa mga qualified rebel returnees ng mula P5,000 hanggang P20,000 depende sa livelihood projects na laan sa kanila. Sa mga da-ting rebel organizations ay magkakaroon naman ng ayuda na mula P20,000 hanggang P50,000 para sa pagbabagong buhay.