P1-M reward vs killer ni Enzo Pastor

MANILA, Philippines - May alok na P1 milyong reward money laban sa killers ng international race car driver na si Enzo Pastor ng Quezon City.

Ito ang inanunsyo ng pamilya ni Enzo na si Tom Pastor. Anya ang naturang pera ay mula sa inipong pera ng mga kaibigan at kaanak nila para lamang mabigyang daan ang paghuli  sa sinasabing utak ng krimen na si Dalia Guerrero, misis ni Enzo  at ng  umano’y lover nitong si  Domingo “Sandy” de Guzman.

Si Guerrero ay una nang kinasuhan ng parricide sa QC Regional Trial Court Branch 91 noong buwan ng Marso  na wanted sa international police habang si de Guzman ay wanted ng korte dahil sa kasong murder na sinampa dito sa QC RTC Branch 85.

Anunsiyo ng pamilyang Pastor na maaari lamang ipagbigay alam sa PNP o sa QC police ang anumang impormasyon para sa ikadarakip ng dalawang suspek.

Si Enzo ay binaril ng umano’y gunman na si PO2 Edgar Angel noong June 12, 2014 sa panulukan ng Congressional at Visayas Avenues sa Quezon City . Ang naturang pulis ang nagnguso kina Guerrero at de Guzman na nasa likod ng krimen.

Show comments